Tuesday, October 28, 2014

KILIG

Ano nga ba ang "KILIG"?

Eto yung isa sa mga salitang mahirap na nga iingles pati iexplain mahirap pa rin. Sabi nga ng Google Translate "hoity-toity" raw. Jusme! Magagamit ba yan sa sentence? "I'm hoity-toity." Hindi ko keri :D Sipnayan ang major ko hindi ingles pero kahit na mahirap pa rin. Kahit sa pag-eexplain kung ano nga ba tong "Kilig" na to nakakadugo ng ilong. Bagamat ganyan nga kahirap idefine ang "kilig" eto lang ang masasabe ko, ang kilig ay isang termino sa naghalo-halong emosyon ng isang nilalang. Pinagsama-samang saya, sabik, ligaya, nginig, kaba, panghihina ng tuhod, biglang pagsigla, pagkabuhay ng dugo, mood na pwedeng utusan as in sipag mode. Tipong lahat na ng positibong emosyon at reaksyon ramdam mo at the very same time -- hirap! HAHA :D Yun yun eh!

No comments:

Post a Comment